Saturday, February 14, 2004

Alam nyo nakakatawang isipin kung paano nasasabi
ko sa sarili ko na
"I believe in love." Nakakatawa sya kasi sa buong
buhay ko, ni wala pa yatang nagpakita sa akin o
nagparamdam ng lintek na pagmamahal na yan. Ang
ibig
kong sabihin yung pagmamahal na tipong
nakakabaliw.

Sabi pa nga minsan nung isa, "We're better off as
friends." PUCHA! Kaibigan?! Sa lahat ng ginawa ko
para sa kanya at sa lahat ng sinakripisyo ko,
kaibigan lang pala ng habol nya sa akin. Ano ba
ito, lokohan lang? Pero sige, sabi ko "move on,
move on."
Tapos itong isa naman sabi
"Mabait lang ako sa babae kaya ako ganito sa
iyo."
Lalong masakit! Bakit? Hanep naman kasi.
Bibisitahin ka linggo-linggo sa bahay, magiging
sweet sa iyo, kakantahan ka pa, yayakapin,
hahalikan at higit sa lahat sasabihing
napakaganda mo at napakabait at ano ba
yun 'special' girl ka sa kanya. Hindi mo aakalain
na normal lang pala nyang ginagawa yun. Ikaw
naman, mafofall ka, hindi mo mapigilan.
SORRY NAMAN! D KO SINASADYA! Pero wala ka namang
magawa. Ang sabi ko naman sa sarili ko
ngayon, "it's your loss, not mine."

Yung iba naman, eh di syempre manliligaw. At
dahil likas akong dalagang Pilipina (ako to! ako
to!), papakipot muna ako. Kung kailan mo na
sasagutin, saka naman hihinto. Bakit? (wala
kasing b@%*s!!!) Aakalain na hindi mo sya gusto,
na pinaasa mo lang at wala kang kabalak-balak
sagutin (eng-eng siya eh! suko kagad!). Guys,
isang advice lang, hindi naman kayo paaasahin ng
mga babae kung wala silang gusto ni katiting sa
inyo. Maaaring mali ako, pero karamihan sa amin,
kaya pinapatagal eh dahil gusto kayong subukan
kung hanggang saan ang tagal nyo at syempre kung
gaano kayo kaseryoso. --hahaha!!! sobrang totoo
to (in my case anyway). Yan lang naman ang
drama namin, masanay na kayo. At ano naman ang
sabi ko naman sa sarili ko ngayon? Bahala ka!
Marami pa naman dyang iba!" Tapos sige move on
ulit.
Ito ang pamatay sa lahat. Nanligaw si lalaki,
sinagot ni babae. Maganda na sana ang
relationship tapos isang araw, sasabihin na lang
sa iyo, "Hindi ko na kaya. Tapusin na natin ito.
Iniwan ka na lang basta ng dahil sa isang
dahilang hindi mo malunok, maintindihan at
tanggapin.
Ni hindi mo alam kung gusto mong sabunutan o
suntuk-suntukin ng paulit-ulit baka sakaling
matauhan at sabihin nyang, "Joke lang po." Pero
hindi. Sa halip na sya ang makaramdam ng sakit ng
sabunot at k irot ng suntok, ikaw pa ang halos
mamatay sa triple or higit pang sakit. At ang
masakit pa kinabukasan malalaman mo na ang tunay
na dahilan eh, 'sila' na ng matalik mong
kaibigan. PUCHA! Hindi mo alam kung iiyak ka, o
sisigaw ka o susugurin mo
ang your so-called "bestfriend" at isumbat sa
kanya lahat ng nararamdaman mo. Sa huli, wala
kang magawa kung hinde tanggapin ang lahat at
maging masaya para sa kanila. May magagawa ka pa
ba? Sasabihin mo naman sa sarili mo, "Makakarma
rin kayo!" tapos hala, move on ulit.
Nakakapagod magmahal, totoo yan. Pero bakit pa
rin ako patuloy na naghihintay? Masyado lang ba
ang tiwala ko sa pag-ibig o likas na tangengot
lang talaga ako. Pareho yata. Tama, oo, pareho
nga. Ang lakas kasi ng tiwla ko sa 'love." Tipong
kakambal ko na ba.

Masarap magmahal kahit na hindi mo alam kung
mahal ka rin nya. Basta ikaw, mahal mo sya. Yun
lang ang importante. Makita mo lang sya, feel mo
gusto mong magpa-fiesta. Madikitan mo lang ang
sinulid ng damit nya, ang
sasabihin mo sa sarili mo, "Ay shet! Nadikit ako
sa balat nya!" at sabay talon. Ngitian ka lang
nya, pwede ka ng magpasagasa sa kotse or kahit sa
LRT. Drama noh?
Paano pa kaya kung "kayo" na? Eh di mas lalong
humaba ang buhok mo. Andito na yung lagi nilang
sinasabing hindi ka makakain, hindi ka makatulog
at hindi ka makapag-isip na kahit na ano maliban
lang ang mga pantasya mo na kasama sya.

Madrama na kung sa madrama pero pag in-love, ay
sus! Walang corny-corny, basta para sa kanya
kahit may corn field ka na sa utak at puso mo,
wala kang pakialam. Patuloy kang magmamahal at
aasa na kayo na nga sana forever and ever.

Ako? Parang takot na yata akong ma-in-love ulit. -
-oo nga! Parang takot na akong sumubok pa ng isa.
Parang ayoko na! Pero parang hindi tama. Ganyan
naman sa 'love' di ba? Sige lang, tuloy ka
hangga't makita mo ang katapat mo. --sana
pinanganak na yung katapat ko..
Takot man akong sumubok muli, kakayanin ko ang
takot na ito. Hindi para sa akin, kundi para dun
sa taong mamahalin ako ng higit pa sa kahit na
ano. Yung taong aalagaan ako, taong magsasabi na
maganda ako kahit na halos lumuwa na ang mata ko
sa puyat at yung taong magsasabi na
"Mga 'tol, yan ang girlfriend ko. Iisa lang yan
sa buhay ko." HAAAYYY!!! Sarap isipin noh?
Masarap at masakit umibig. Magkakambal yan. Nasa
inyo na lang kung pipiliin nyong kumapit o
bumitaw.

Ngayon eto ako, umaasa pa rin. Andito pa rin ako
na nagpapatuloy sa buhay, patuloy na humihinga at
patuloy na nabubuhay para sa 'kanya' yung taong
darating na para lang sa akin. At syempre eto pa
rin ako, natatawa kapag sinasabi kong, "I believe
in love." Natatawang naniniwalang totoo ito.

No comments: